Pagmamahal ay isang bagay na hindi
natin maitatanggi at maikakaila bilang parte ng buhay natin dito sa
kinalulugmukan nating lupa. Pagmamahal sa sarili, sa kapwa, sa pamilya,
kaibigan at lalung-lalo na sa ating sariling bayan at bansa.
Ako, bilang isang mamamayan ng
bansang Pilipinas, at bilang isang Filipino na labing-walong taon ng namamalagi
dito sa ating bayan ay nararapat magpamalas ng wagas at walang katulad na
pag-big, pagmamahal, pagrespeto at pagkalinga sa ating bansa. Ang ating inang bayan na nagbigay tahanan sa
akin maging sa mga mahal ko sa buhay. Ang ating inang bayan na nagbigay ng maraming
oportunidad para makita at maramdaman ang mga iba’t-ibang bagay na nagbigay at
magbibigay pa ng kulay sa aking nag-iisang buhay. At ang ating inang bayan na
walang sawang tayo ay kalingain at yapusin, tayo man ay pansamantala o
permanenteng lumisan.
“Kalakip din nito’y pag-ibig sa
Bayan ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal, mula sa masaya’t gasong
kasanggulan hanggang sa katawa’y mapasa-libingan.” Isang simpleng linyang ako
ay nabighani at isang simpleng linyang nagpapahayag ng mga mahalagang mensahe.
Sinasaad nito na ang ating sariling bansa, na sa akin ay naghandog ng iba’t-ibang
ligaya, sa sarili nating baya’y ako’y nakakilala ng mabubuting kaibigan,sa
sariling baya’y ako’y natutong umibig sa kapwa, sa sarili nating bayan ako’y
nagpamalas ng iba’t-ibang kakayahan, sa sarili nating bayan ko naramdaman ang
pag-ibig, dalamhati, pighati, lubos na kaligayahan at kasiyahan. Dito ako’y
natutong bumasa at sumula’t na siyang aking magagamit upang ipakita at ipahayag
ang aking saloobin at pagpapasalamat. At dito naramdaman at naranasan ko ang
iba’t-ibang mga pagsubok na nagbigay sa akin ng matibay na pananampalataya at
lakas ng loob.
Ang pasasalamat ko sa ating bayan
ay hindi mahihigitan. Hindi ako nagsisisi na ako’y dito sinilang. Hindi ko ipagpapalit
ang sarili kong bayan, sapagkat para sa akin ay hindi matutumbasan lahat ng
aking mga alaala na sa akin ay pinagkalooban. Dito walang katumbas at hindi
maikukumpara ang kasiyahan at pagkakaisa ng bawa’t sinuman. Aking
ipinagmamalaki na sila at tayo ay lumaki at nabuhay dito sa ating bayang tinubuan.
At bilang isang ordinaryong mamamayan ng ating bayan, lubos akong
nagpapasalamat sa karangalang handog ng ating bayan. Ito’y isang malaking biyaya ng Diyos na aking ipagmamalaki,
payayabungin, mamahalin at dadalhin maging sa aking huling hantungan.
Napaka husay
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinBinabati kita sa iyong husay sa paggawa nito!!! Iyong napatunayan ang iyong sarili bilang isa sa mga naging magandang produkto ng ating inang bayan👍
TumugonBurahinHi
BurahinI dont understand, its hard to be an american studying filipino because tangina ang hirap mag english
TumugonBurahinCute mo naman sarap mo kurutin
BurahinMerkur 15c Double Edge Safety Razor, Chrome - Xn
TumugonBurahinMerkur 15c 메리트카지노 Double 1xbet korean Edge Safety Razor, 샌즈카지노 Chrome - Xn Merkur 15C Double Edge Safety Razor, Chrome - Xn Merkur 15C Double Edge Safety Razor, Chrome - Xn Merkur 15C Double Edge Safety Razor